Wednesday, November 30, 2016

Danasan Falls



Ang Dansan Falls ay makikita sa Danao City ito ay sobrang ganda. Matirik ang kalsada papunta sa danasan kaya dapat doble ingat. Malinis,maganda tignan at natural na tubig galing sa kalikasan. Hindi madali ang pagpunta dito marami kapang dadaanan na mga halaman at sobrang layo pa. Hindi ka naman magsisisi kapag nakarating at nakaligo kana. Sobrang lamig ng tubig doon ma papa wow ka sa magandang pakiramdam na dulot nito. Nakakapagpahinga kapa at pampatanggal na rin ng lungkot at problema. Ito ay nakakapagbigay ng saya,sukdulan at karanasan sa atin.


Trip to Camotes




Ang Camotes Island ay isang grupo ng mga isla. Ito ay nasa silangan ng Cebu. Parte rin ito sa Cebu. Kailangan mo pang sumakay ng maliit na barko upang makarating ka sa Camotes. Ang Camotes ay may tatlong transportasyon ang Consuelo,Poro at Pilar. Ang Consuelo ay para sa mga serbisyo galing o pabalik sa danao  at ang Pilar ay galing sa Ormoc at Leyte habang ang Poro ang pangunahing port kung saan ang mga ferry ng Cebu City ay dumadating.







Ang Camotes Island ay magandang pasyalan at bakasyonan nang pamilya. Marami itong mga magagandang tabing-dagat. Ang kanilang tubig dagat ay napakalinis at sobrang ganda tignan. Nakakaakit ang paligid sa sobrang linis,ganda,natural na tubig,mga buhangin at kagandahan ng mga kuweba.







Sunday, November 27, 2016

Miraculous Shrine of Simala




Ang Simala ay makikita sa Lindogon,Simala,Sibonga,Cebu. Ito ay simbahan na parang palasyo dahil sa laki nito. Ginawa ito noong 1998. Dahil sa mga himalang nangyayari dito sa Simala Shrine kaya naging popular ito. Kabilang na rin sa himalang nangyari ang pag iyak ng mahal na birhen. Ang parang palasyo sa laki, ang parang larawan na kaayusan, ang pagguhit lokal at dayuhang turista ang nakadagdag din ng pagkapopular nito.




Pagpunta namin sa Simala ang aking pamilya kabilang na ang aking mga pinsan,tita,tito,lolo at lola ang kasama namin. Maganda ang sa Simala. Pati narin ang kanilang paligid maganda at malinis din. May nagtitinda rin ng mga pulseras at lana ng birhen. May mga maliit na bahay doon upang makapagpahinga rin ang mga tao. Doon sa maliit na bahay din sila kumakain nasa sayo na kung magdadala kayo ng pagkain o doon nalang bumila. Malayo ang byahe papunta sa Simala ngunit katumbas din ang halaga kapag naka nakapasok kana sa simbahan.





Gerry's Grill




Gerry's Grill Restaurant and Bar 



Ito ang mga pagkain sa Gerry's Grill ang iba ay may kamahalan at ang iba naman ay hindi masyado. Masarap ang mga pagkain nila lalong lalo na ang sisig. Magaganado kang kumain kapag tinikman o kinain mo na ang sisig. Meron din silang mga dessert,beer,etc. Ang inumin nilang juice ay masarap din parang hinaluan ng konting beer kaya malalasahan mo ito.






Ang gerrys grill ang isa sa mga restawran na aming kinakainan kapag gutom na kami ng aking pamilya at mga pinsan. Gusto namin ang gerrys grill dahil sa maganda ang paligid nito,malinis,masarap ang mga pag kain,hindi masyadong kamahalan,ang mga pagkain ay lutong pinoy at kaakit-akit ang paligid. Hindi ka magsisisi kapag kumain ka dito mas masusulit mo pa. Maraming mga tao ang dumadayo sa gerrys grill kasi masasarap ang mga pagkain dito at iba ang kanilang paraan sa pagluluto ng mga pagkain. Kaya ang iba kailangan pang pumila o magpa reserve para lang makakain sa restawran na ito, hindi naman masasayang ang pagpupursigi ninyu sa pagpila dahil masarap at katumbas ng halaga pilahan talaga. Matatakam kang kumain kapag dumating ang inyung order dahil sa mabangong amoy nito at bagong luto pa kaya mainit pa ito. Masaya at maganda kapag kasama mo ang iyong pamilya sa restawran kasi nakakapagbonding pa kayo, nakakapagbahagi pa kayo ng mga nangyayari sa paaralan at sa inyung buhay. 





Talento ng Isang Tao



Pagsasayaw



Sumayaw ang isa sa mga kasiyahan ko. Ito ang nagpapagaan ng aking pakiramdam kung may dinadamdam ako. Parte na ito sa buhay ko kaya kapag may mga pakontest sumasali kami ng mga pinsan ko. Ang mga pinsan ko ang naging inspirasyon ko sa pagsayaw dahil sa kanila na tuto ako at na wili sa pagsasayaw.

 

May iba't ibang talento ang tao, ang iba ay ang pagkanta,pagsayaw,pag acting,paggaya sa boses ng ibang tao at iba pa. At ang sa akin ay ang pagsayaw ito na ang silakbo ng aking damdamin.








Manila Ocean Park



     

Pumunta kami sa ocean park kasama ang aking pamilya,pinsan at tita. Marami kang makikita na iba't-ibang mga hayop na na ninirahan sa tubig. Pwede rin hawakan ang mga ito katulad ng pagi.

                 

 May palabas din sa mga sea lion at pwede ka rin magpapicture or hawakan ang mga ito.


Malawak at malaki ang ocean park marami kang malalaman at matutunan kapag pumasok ka dito.




Maganda talaga sa ocean park sulit ang pagpasyal doon. Hindi mabaho ang paligid kahit maraming hayop. Alagang-alaga nila ang lugar kaya mas nakakaakit ito.







Tuesday, November 22, 2016

Manila Zoo


Manila Zoo ay mas kilala sa tawag na Manila Zoological and Botanical Garden. May sukat itong 5.5 ektarya at makikita ito sa Malate,Manila,Philippines binuksan ito noong july 25,1959.


Nagbubukas sila simula Monday hanggang Sunday sa oras na 8am hanggang 6pm kasama na sa holiday.




Marami silang mga hayop na inaalaga at may ibat ibang uri pa. May magandang paligid at malinis din ito.



Namasyal o pumunta kami sa manila zoo noong nakaraang taon kasama ang aking pamilya,pinsan at tita.