Sunday, November 27, 2016

Gerry's Grill




Gerry's Grill Restaurant and Bar 



Ito ang mga pagkain sa Gerry's Grill ang iba ay may kamahalan at ang iba naman ay hindi masyado. Masarap ang mga pagkain nila lalong lalo na ang sisig. Magaganado kang kumain kapag tinikman o kinain mo na ang sisig. Meron din silang mga dessert,beer,etc. Ang inumin nilang juice ay masarap din parang hinaluan ng konting beer kaya malalasahan mo ito.






Ang gerrys grill ang isa sa mga restawran na aming kinakainan kapag gutom na kami ng aking pamilya at mga pinsan. Gusto namin ang gerrys grill dahil sa maganda ang paligid nito,malinis,masarap ang mga pag kain,hindi masyadong kamahalan,ang mga pagkain ay lutong pinoy at kaakit-akit ang paligid. Hindi ka magsisisi kapag kumain ka dito mas masusulit mo pa. Maraming mga tao ang dumadayo sa gerrys grill kasi masasarap ang mga pagkain dito at iba ang kanilang paraan sa pagluluto ng mga pagkain. Kaya ang iba kailangan pang pumila o magpa reserve para lang makakain sa restawran na ito, hindi naman masasayang ang pagpupursigi ninyu sa pagpila dahil masarap at katumbas ng halaga pilahan talaga. Matatakam kang kumain kapag dumating ang inyung order dahil sa mabangong amoy nito at bagong luto pa kaya mainit pa ito. Masaya at maganda kapag kasama mo ang iyong pamilya sa restawran kasi nakakapagbonding pa kayo, nakakapagbahagi pa kayo ng mga nangyayari sa paaralan at sa inyung buhay. 





No comments:

Post a Comment