Ang Camotes Island ay isang grupo ng mga isla. Ito ay nasa silangan ng Cebu. Parte rin ito sa Cebu. Kailangan mo pang sumakay ng maliit na barko upang makarating ka sa Camotes. Ang Camotes ay may tatlong transportasyon ang Consuelo,Poro at Pilar. Ang Consuelo ay para sa mga serbisyo galing o pabalik sa danao at ang Pilar ay galing sa Ormoc at Leyte habang ang Poro ang pangunahing port kung saan ang mga ferry ng Cebu City ay dumadating.
Ang Camotes Island ay magandang pasyalan at bakasyonan nang pamilya. Marami itong mga magagandang tabing-dagat. Ang kanilang tubig dagat ay napakalinis at sobrang ganda tignan. Nakakaakit ang paligid sa sobrang linis,ganda,natural na tubig,mga buhangin at kagandahan ng mga kuweba.
No comments:
Post a Comment