Ang Simala ay makikita sa Lindogon,Simala,Sibonga,Cebu. Ito ay simbahan na parang palasyo dahil sa laki nito. Ginawa ito noong 1998. Dahil sa mga himalang nangyayari dito sa Simala Shrine kaya naging popular ito. Kabilang na rin sa himalang nangyari ang pag iyak ng mahal na birhen. Ang parang palasyo sa laki, ang parang larawan na kaayusan, ang pagguhit lokal at dayuhang turista ang nakadagdag din ng pagkapopular nito.
Pagpunta namin sa Simala ang aking pamilya kabilang na ang aking mga pinsan,tita,tito,lolo at lola ang kasama namin. Maganda ang sa Simala. Pati narin ang kanilang paligid maganda at malinis din. May nagtitinda rin ng mga pulseras at lana ng birhen. May mga maliit na bahay doon upang makapagpahinga rin ang mga tao. Doon sa maliit na bahay din sila kumakain nasa sayo na kung magdadala kayo ng pagkain o doon nalang bumila. Malayo ang byahe papunta sa Simala ngunit katumbas din ang halaga kapag naka nakapasok kana sa simbahan.
No comments:
Post a Comment