Monday, December 5, 2016

Ang Hiling ko ngayong Pasko




Bawat tao ay may iba't-ibang hiling sa pasko. Ang iba ang hinihiling nila ay iyong hindi nila nakukuha agad o hindi kaya nilang bilhin kaya iyan ang hinihiling nila sa pasko. May iba ring hinihiling nila kung ano iyong nagpapasaya sa kanila. Kung tatanungin mo naman sa mga bata kung anong gusto nila sigurado akong laruan ang gusto nilang hilingin dahil ito ang nagpapasaya sa kanila. Kung sa mga kabataan naman para sa akin ang gusto nilang hilingin ay mga mature na mga bagay katulad ng mga damit at bagay na impossible.




Ang gusto kung hilingin ngayong pasko ay napaka impossibleng matupad dahil hindi ito basta-basta na bagay na mabibili lang. Ito ay napaka impossible dahil ang gusto kung hilingin ngayong pasko ay makapunta ako sa mundo ng mga anime. Matagal ko nang gustong pumunta sa mundo nila ngunit hindi pwede dahil napaka impossible at ang mundo nila ay ima imahinasyon lamang ng mga gumagawa ng anime. Kaya namang impossible talaga na matupad ito kaya iba nalang ang hihilingin ko. Ang pangalawang gusto kong hilingin ngayong pasko ay ang maganda,masaya at nagkakaisa na pamilya. Hindi ako mapili sa mga bagay ang gusto ko lang ay nasa mabuting kalagayan ang aking pamilya.




Dapat ngayong pasko ay magkakasama,masaya at nagmamahalan kayo sa inyung mga pamilya dahil para sa akin ito ang tunay na kahulugan at diwa ng pasko. Ito ang pinakamagandang binigay at regalo ng may kapal sa atin kaya dapat ingatan,mahalin at alagaan ang ating pamilya. Dahil kung wala sila wala rin tayo at mas lalong hindi maganda ang buhay natin kung wala sila. Wala na akong ibang ihihiling pa dahil masaya na ako na nandito sa tabi ko ang aking pamilya at nagmamahal sa akin. Sapat na sila sa buhay ko at mas lalong sasapat kung may dadating na magmamahal ng tunay sa akin.ng Hiling ko ngayong Pasko

Bawat tao ay may iba't-ibang hiling sa pasko. Ang iba ang hinihiling nila ay iyong hindi nila nakukuha agad o hindi kaya nilang bilhin kaya iyan ang hinihiling nila sa pasko. May iba ring hinihiling nila kung ano iyong nagpapasaya sa kanila. Kung tatanungin mo naman sa mga bata kung anong gusto nila sigurado akong laruan ang gusto nilang hilingin dahil ito ang nagpapasaya sa kanila. Kung sa mga kabataan naman para sa akin ang gusto nilang hilingin ay mga mature na mga bagay katulad ng mga damit at bagay na impossible.

Ang gusto kung hilingin ngayong pasko ay napaka impossibleng matupad dahil hindi ito basta-basta na bagay na mabibili lang. Ito ay napaka impossible dahil ang gusto kung hilingin ngayong pasko ay makapunta ako sa mundo ng mga anime. Matagal ko nang gustong pumunta sa mundo nila ngunit hindi pwede dahil napaka impossible at ang mundo nila ay ima imahinasyon lamang ng mga gumagawa ng anime. Kaya namang impossible talaga na matupad ito kaya iba nalang ang hihilingin ko. Ang pangalawang gusto kong hilingin ngayong pasko ay ang maganda,masaya at nagkakaisa na pamilya. Hindi ako mapili sa mga bagay ang gusto ko lang ay nasa mabuting kalagayan ang aking pamilya.

Dapat ngayong pasko ay magkakasama,masaya at nagmamahalan kayo sa inyung mga pamilya dahil para sa akin ito ang tunay na kahulugan at diwa ng pasko. Ito ang pinakamagandang binigay at regalo ng may kapal sa atin kaya dapat ingatan,mahalin at alagaan ang ating pamilya. Dahil kung wala sila wala rin tayo at mas lalong hindi maganda ang buhay natin kung wala sila. Wala na akong ibang ihihiling pa dahil masaya na ako na nandito sa tabi ko ang aking pamilya at nagmamahal sa akin. Sapat na sila sa buhay ko at mas lalong sasapat kung may dadating na magmamahal ng tunay sa akin.

No comments:

Post a Comment