Lahat ng tao ay may iba't ibang mahahalagang tao sa kanilang buhay. Malaki ang papel nila sa ating buhay dahil sila ang nagbibigay saya sa atin. Sila ang parating nandiyan kapag may kailangan o problema ka. Marami tayong mga mahahalagang tao sa ating buhay ngunit meron talagang isa sa kanila ang mas lamang. At ang pinakamahalagang tao sa aking buhay ay ang aking ina.
Ang aking ina na si Jocelyn ang pinaka importante o mahalagang tao sa aking buhay. Siya ang mas lumamang sa iba dahil syempre galing ako sa kanyang tyan at siya ang aking numero unong idolo. Marami akong natutunan sa aking ina at dahil sa kanya ako ay natotong bumigkas,sumulat,magbasa,rumespeto sa iba at paggalang sa nakakatanda. Mabait na magulang ang aking ina minsan pinapagalitan kami ngunit alam ko sa sarili ko na pagdedisiplina lang iyon sa amin. Minsan hindi kami nagkakaintindihan kaya napupunta sa away ang dapat hindi mapunta. Kahit nag aaway kami minsan dahil sa aking pasaway na gawain mahal na mahal ko ang aking ina. Siya ang pinakamabait sa lahat ng tao dito sa mundo.
Kahit pasaway ako na bata hindi ko ipagpapalit ang aking ina sa iba dahil siya lang ang aking pinakamamahal at ang numero unong ina sa aking buhay. Mahal ko naman ang aking ama at siya rin ang aking numero uno na idolo. Dapat sumunod at gawin natin ang ipinag uutos ng ating mga magulang dahil hindi madali ang pagpapalaki nila sa atin marami silang mga pagsubok na hinarappara lang sa atin. Ang kanilang pagsisikap nuon at ngayon ay ang tagumpay natin sa kung ano tayo ngayon kaya dapat mag-aral tayo ng mabuti sa gayon ay matagumpay tayong makapagtapos sa ating pag-aaral at masuklian natin ang kanilang paghihirap at pagsisikap nuon.
THATS SO TOUCHING, I HAVE A GUARDIAN MOTHER AND FATHER BUT I FELT THAT THEY DONT WANT AND LOVE ME.. MY REAL FAMILY JUST LEAVE ME SINCE I WAS BORN, SO I THINK I JUST FELT IT THAT MY GUARDIANS DONT LOVE ME BECAUSE THEY'RE BUSY. YES, THIS IS THE REAL ANSWER FAMILY BECAUSE IF THE WORLD DONT HAVE FAMILY THE LITTLE CHILD WILL NOT BE BORN IN WORLD.. SO BE THANKFUL OF WHAT WE ARE JUST LIKE JHAYB.. IM ABSOLUTELY SALUTE YOUR BE LOVING IN YOUR MOTHER. THANK YOU FOR THE ANSWER..
ReplyDelete