Tuesday, December 13, 2016
Panindigan tungkol sa distribusyon ng condoms sa paaralan upang mapigilan ang empiksiyon ng HIV
Ang pagbibigay ng condoms sa paaralan ay may positibo at negatibong kaso. Ang positibong kaso ay makakapigil ito sa pag empiksiyon ng HIV at ang negatibong kaso ay maraming ma bubuntis na mga kabataan kapag bibigyan nila ang mga paaralan ng condoms. Hindi lahat ng condoms ay hindi nabubutas may ilan nabubutas at may ilan din na hindi nabubutas. Kapag bibigyan ang mga estudyante ng condoms maaring hindi na sila mag-aaral ng mabuti at mas magpopukos sa pag-aaral kung paano gamitin ang condoms. Maaring palagi na silang mag sesex dahil sa condoms na binigay.
Mawawala sila sa kanilang landas o tamang daan patungo sa tagumpay dahil sa binigay na condom. Wala namang kinalaman ang condom sa pag-aaral at edukasyon ng mga mag-aaral at mali din na solusyon ito ng DOH sa HIV-AIDS. Dapat hindi sila magbibigay ng libreng condom sa mga estudyante sa susunod na taon dahil hindi natin kontrolado ang isip ng tao na gamitin ang condom sa tamang paraan may iba talagang tao na lumilihis ng daan para sa sariling kaligayahan.
Maraming ma bubuntis na mga kabataan kapag ipagpapatuloy nila ang pagbibigay ng libreng condom sa estudyante. Mas magbebenipisyo pa ang mga mag-aaral kung ang ituturo sa kanila ay tungkol sa sports, culture, good manners and right conduct at hindi ang paggamit ng condom o education condom sa mga mag-aaral.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment