Tuesday, December 13, 2016

Kahalagahan ng blogging




Ang blog ay pinaiksing salita para sa weblog. Isa itong websayt o sityo sa web na parang isang talaarawan. Karamihan sa mga tao ang makagagawa ng isang blog at pagkatapos nito, sumulat kasunod ng blog na iyon. Tinatawag na mga blogero ang mga taong sumusulat sa mga blog. Kalimitang isinusulat ng mga blogero sa mga blog ang kanilang mga opinyon at mga naiisip.




Karamihan sa mga blog ay naglalaman ng mga komentaryo o balita ukol sa ilang mga paksa ang ilan naman ay ginagamit ito para gawing online diary. Mahalaga ito dahil ito ang isa sa mga kilala na sayt o sityo sa web na dinadagsa o pinupuntahan ng mga kabataan dahil dito nila pinopost o ina upload ang mga pambihirang karanasan nila. Gusto nila may desinyo ang kanilang karanasan kaya kadalasan dito sa blog nila pinopost.





Sampung taon mula ngayon





Sampung taon mula ngayon magiging isang matagumpay akong guro. Gusto kung maging guro dahil gusto kung magturo sa mga batang gusto matutong mag-aral. Gusto kung ibahagi ang mga nalalaman ko sa mga batang gustong malaman ang mga bagay-bagay. Isa sa mga dahilan kung bakit pinili ko ang pagiging guro dahil pangmatagalan itong trabaho kapag nakatrabaho kana hindi ka agad-agad matatanggal dahil meron itong kontrata at magtatangal o hindi kana pwede makapagtrabaho kapag nasa mga 60 anyos kana.




Maganda ang pagiging guro dahil nakakapagpasaya ka ng mga bata at sobrang magaan ito sa pakiramdam kapag nakita mong desidido o may natutunan ang batang tinuturuan mo. Sampung taon mula ngayon gusto kung matupad ang mga gusto kung mangyari sa aking buhay. Gusto ko ring makatulog sa aking pamilya at sa aking magiging asawa at magiging mga anak.


Ang Pinaka Mahalagang Tao sa Aking Buhay





Lahat ng tao ay may iba't ibang mahahalagang tao sa kanilang buhay. Malaki ang papel nila sa ating buhay dahil sila ang nagbibigay saya sa atin. Sila ang parating nandiyan kapag may kailangan o problema ka. Marami tayong mga mahahalagang tao sa ating buhay ngunit meron talagang isa sa kanila ang mas lamang. At ang pinakamahalagang tao sa aking buhay ay ang aking ina.



Ang aking ina na si Jocelyn ang pinaka importante o mahalagang tao sa aking buhay. Siya ang mas lumamang sa iba dahil syempre galing ako sa kanyang tyan at siya ang aking numero unong idolo. Marami akong natutunan sa aking ina at dahil sa kanya ako ay natotong bumigkas,sumulat,magbasa,rumespeto sa iba at paggalang sa nakakatanda. Mabait na magulang ang aking ina minsan pinapagalitan kami ngunit alam ko sa sarili ko na pagdedisiplina  lang iyon sa amin. Minsan hindi kami nagkakaintindihan kaya napupunta sa away ang dapat hindi mapunta. Kahit nag aaway kami minsan dahil sa aking pasaway na gawain mahal na mahal ko ang aking ina. Siya ang pinakamabait sa lahat ng tao dito sa mundo.



Kahit pasaway ako na bata hindi ko ipagpapalit ang aking ina sa iba dahil siya lang ang aking pinakamamahal at ang numero unong ina sa aking buhay. Mahal ko naman ang aking ama at siya rin ang aking numero uno na idolo. Dapat sumunod at gawin natin ang ipinag uutos ng ating mga magulang dahil hindi madali ang pagpapalaki nila sa atin marami silang mga pagsubok na hinarappara lang sa atin. Ang kanilang pagsisikap nuon at ngayon ay ang tagumpay natin sa kung ano tayo ngayon kaya dapat mag-aral tayo ng mabuti sa gayon ay matagumpay tayong makapagtapos sa ating pag-aaral at masuklian natin ang kanilang paghihirap at pagsisikap nuon.

Panindigan tungkol sa distribusyon ng condoms sa paaralan upang mapigilan ang empiksiyon ng HIV




Ang pagbibigay ng condoms sa paaralan ay may positibo at negatibong kaso. Ang positibong kaso ay makakapigil ito sa pag empiksiyon ng HIV at ang negatibong kaso ay maraming ma bubuntis na mga kabataan kapag bibigyan nila ang mga paaralan ng condoms. Hindi lahat ng condoms ay hindi nabubutas may ilan nabubutas at may ilan din na hindi nabubutas. Kapag bibigyan ang mga estudyante ng condoms maaring hindi na sila mag-aaral ng mabuti at mas magpopukos sa pag-aaral kung paano gamitin ang condoms. Maaring palagi na silang mag sesex dahil sa condoms na binigay.




Mawawala sila sa kanilang landas o tamang daan patungo sa tagumpay dahil sa binigay na condom. Wala namang kinalaman ang condom sa pag-aaral at edukasyon ng mga mag-aaral at mali din na solusyon ito ng DOH sa HIV-AIDS. Dapat hindi sila magbibigay ng libreng condom sa mga estudyante sa susunod na taon dahil hindi natin kontrolado ang isip ng tao na gamitin ang condom sa tamang paraan may iba talagang tao na lumilihis ng daan para sa sariling kaligayahan.




Maraming ma bubuntis na mga kabataan kapag ipagpapatuloy nila ang pagbibigay ng libreng condom sa estudyante. Mas magbebenipisyo pa ang mga mag-aaral kung ang ituturo sa kanila ay tungkol sa sports, culture, good manners and right conduct at hindi ang paggamit ng condom o education condom sa mga mag-aaral.



Tuesday, December 6, 2016

Kung ang Tiket ng Eroplano ay Libre, Gusto kong pumunta sa...



Kung ang tiket ng eroplano ay libre saan ako pupunta ? Gusto kung pumunta sa Japan dahil ito talaga ang gusto kung puntahan simula pa nuong bata pa ako. Pangarap kung pumunta sa bansang Japan hindi dahil sa trip ko lang kundi dahil maganda itong bansa at na humali ako sa kanilang mga tradisyon. Maraming mga magagandang pasyalan sa bansang Japan. At maganda itong bakasyonan dahil sa napaka aliwalas,mapayapa at maganda ang paligid.



Maganda ang kanilang tahanan o bahay dahil hindi ito gawa sa semento kundi ito ay gawa sa kahoy. Kaya kapag mag dumadaan na sasakyan sa labas ay parang lumilindol din. Parang mansyon o templo ang bahay sa Japan dahil sa laki kaya magara itong tignan.



Ang Kultura at Tradisyon sa Japan o Hapon ay ang pagsuot ng kimono at obi.




Maraming mga pagdiriwang sa bansang Japan o Hapon. Isa sa mga pagdiriwang nila ay ang Cherry Blossom. Napakagandang puno ng Cherry Blossom dahil napakapayapa nitong tignan at ang bulaklak nito ay kulay pink na sumasamo sa paningin ng tao.



Penis Festival ito ay isa sa mga pagdiriwang na sinasamba ng mga hapones ang penis o titi. Kilala rin ito sa tawag na Kanamara Matsuri o The Pink Penis Parade. Ito ay isang alamat. Maraming mga prostitute ang nagdadasal sa dambana upang protektahan ang kanilang sexually transmitted infections. Nagsimula ito nuong 1969.  Ngayon naging atraksyon na ito ng mga turista. Gumawa rin sila ng mga kendi na hugis titi o penis.







Monday, December 5, 2016

Ang Hiling ko ngayong Pasko




Bawat tao ay may iba't-ibang hiling sa pasko. Ang iba ang hinihiling nila ay iyong hindi nila nakukuha agad o hindi kaya nilang bilhin kaya iyan ang hinihiling nila sa pasko. May iba ring hinihiling nila kung ano iyong nagpapasaya sa kanila. Kung tatanungin mo naman sa mga bata kung anong gusto nila sigurado akong laruan ang gusto nilang hilingin dahil ito ang nagpapasaya sa kanila. Kung sa mga kabataan naman para sa akin ang gusto nilang hilingin ay mga mature na mga bagay katulad ng mga damit at bagay na impossible.




Ang gusto kung hilingin ngayong pasko ay napaka impossibleng matupad dahil hindi ito basta-basta na bagay na mabibili lang. Ito ay napaka impossible dahil ang gusto kung hilingin ngayong pasko ay makapunta ako sa mundo ng mga anime. Matagal ko nang gustong pumunta sa mundo nila ngunit hindi pwede dahil napaka impossible at ang mundo nila ay ima imahinasyon lamang ng mga gumagawa ng anime. Kaya namang impossible talaga na matupad ito kaya iba nalang ang hihilingin ko. Ang pangalawang gusto kong hilingin ngayong pasko ay ang maganda,masaya at nagkakaisa na pamilya. Hindi ako mapili sa mga bagay ang gusto ko lang ay nasa mabuting kalagayan ang aking pamilya.




Dapat ngayong pasko ay magkakasama,masaya at nagmamahalan kayo sa inyung mga pamilya dahil para sa akin ito ang tunay na kahulugan at diwa ng pasko. Ito ang pinakamagandang binigay at regalo ng may kapal sa atin kaya dapat ingatan,mahalin at alagaan ang ating pamilya. Dahil kung wala sila wala rin tayo at mas lalong hindi maganda ang buhay natin kung wala sila. Wala na akong ibang ihihiling pa dahil masaya na ako na nandito sa tabi ko ang aking pamilya at nagmamahal sa akin. Sapat na sila sa buhay ko at mas lalong sasapat kung may dadating na magmamahal ng tunay sa akin.ng Hiling ko ngayong Pasko

Bawat tao ay may iba't-ibang hiling sa pasko. Ang iba ang hinihiling nila ay iyong hindi nila nakukuha agad o hindi kaya nilang bilhin kaya iyan ang hinihiling nila sa pasko. May iba ring hinihiling nila kung ano iyong nagpapasaya sa kanila. Kung tatanungin mo naman sa mga bata kung anong gusto nila sigurado akong laruan ang gusto nilang hilingin dahil ito ang nagpapasaya sa kanila. Kung sa mga kabataan naman para sa akin ang gusto nilang hilingin ay mga mature na mga bagay katulad ng mga damit at bagay na impossible.

Ang gusto kung hilingin ngayong pasko ay napaka impossibleng matupad dahil hindi ito basta-basta na bagay na mabibili lang. Ito ay napaka impossible dahil ang gusto kung hilingin ngayong pasko ay makapunta ako sa mundo ng mga anime. Matagal ko nang gustong pumunta sa mundo nila ngunit hindi pwede dahil napaka impossible at ang mundo nila ay ima imahinasyon lamang ng mga gumagawa ng anime. Kaya namang impossible talaga na matupad ito kaya iba nalang ang hihilingin ko. Ang pangalawang gusto kong hilingin ngayong pasko ay ang maganda,masaya at nagkakaisa na pamilya. Hindi ako mapili sa mga bagay ang gusto ko lang ay nasa mabuting kalagayan ang aking pamilya.

Dapat ngayong pasko ay magkakasama,masaya at nagmamahalan kayo sa inyung mga pamilya dahil para sa akin ito ang tunay na kahulugan at diwa ng pasko. Ito ang pinakamagandang binigay at regalo ng may kapal sa atin kaya dapat ingatan,mahalin at alagaan ang ating pamilya. Dahil kung wala sila wala rin tayo at mas lalong hindi maganda ang buhay natin kung wala sila. Wala na akong ibang ihihiling pa dahil masaya na ako na nandito sa tabi ko ang aking pamilya at nagmamahal sa akin. Sapat na sila sa buhay ko at mas lalong sasapat kung may dadating na magmamahal ng tunay sa akin.

Wednesday, November 30, 2016

Danasan Falls



Ang Dansan Falls ay makikita sa Danao City ito ay sobrang ganda. Matirik ang kalsada papunta sa danasan kaya dapat doble ingat. Malinis,maganda tignan at natural na tubig galing sa kalikasan. Hindi madali ang pagpunta dito marami kapang dadaanan na mga halaman at sobrang layo pa. Hindi ka naman magsisisi kapag nakarating at nakaligo kana. Sobrang lamig ng tubig doon ma papa wow ka sa magandang pakiramdam na dulot nito. Nakakapagpahinga kapa at pampatanggal na rin ng lungkot at problema. Ito ay nakakapagbigay ng saya,sukdulan at karanasan sa atin.


Trip to Camotes




Ang Camotes Island ay isang grupo ng mga isla. Ito ay nasa silangan ng Cebu. Parte rin ito sa Cebu. Kailangan mo pang sumakay ng maliit na barko upang makarating ka sa Camotes. Ang Camotes ay may tatlong transportasyon ang Consuelo,Poro at Pilar. Ang Consuelo ay para sa mga serbisyo galing o pabalik sa danao  at ang Pilar ay galing sa Ormoc at Leyte habang ang Poro ang pangunahing port kung saan ang mga ferry ng Cebu City ay dumadating.







Ang Camotes Island ay magandang pasyalan at bakasyonan nang pamilya. Marami itong mga magagandang tabing-dagat. Ang kanilang tubig dagat ay napakalinis at sobrang ganda tignan. Nakakaakit ang paligid sa sobrang linis,ganda,natural na tubig,mga buhangin at kagandahan ng mga kuweba.